Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 31 sa 60 • Tagalog


مُنِيبِينَ إِلَيْهِ وَاتَّقُوهُ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَلَا تَكُونُوا مِنَ الْمُشْرِكِينَ 31
Pagsasalin:
[Maging] mga nagsisising nanunumbalik tungo sa Kanya, mangilag kayong magkasala sa Kanya, magpanatili kayo ng pagdarasal, at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal, Ar-Rūm 30:31
Tafsīr:
Bumalik kayo sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng pagbabalik-loob mula sa mga pagkakasala ninyo, mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, lumubos kayo sa pagdarasal sa pinakaganap na paraan, at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal na sumasalungat sa kalikasan ng pagkalalang saka nagtatambal kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagsamba nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 30 Susunod Ar-Rūm • Talata 32