Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 33 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 33 sa 60 • Tagalog


وَإِذَا مَسَّ النَّاسَ ضُرٌّ دَعَوْا رَبَّهُمْ مُنِيبِينَ إِلَيْهِ ثُمَّ إِذَا أَذَاقَهُمْ مِنْهُ رَحْمَةً إِذَا فَرِيقٌ مِنْهُمْ بِرَبِّهِمْ يُشْرِكُونَ 33
Pagsasalin:
Kapag may sumaling sa mga tao na isang kapinsalaan ay dumadalangin sila sa Panginoon nila, habang mga nagsisising nanunumbalik tungo sa Kanya. Pagkatapos kapag nagpalasap Siya sa kanila ng isang awa mula sa Kanya, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na sa Panginoon nila ay nagtatambal Ar-Rūm 30:33
Tafsīr:
Kapag may dumapo sa mga tagapagtambal na isang kasawiang gaya ng karamdaman o karalitaan o tagtuyot ay dumadalangin sila sa Panginoon nila lamang – kaluwalhatian sa Kanya – habang mga bumabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagsusumamo at pagdulog na ibaling palayo sa kanila ang dumapo sa kanila. Pagkatapos kapag naawa Siya sa kanila sa pamamagitan ng pag-aalis sa dumapo sa kanila, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na bumabalik sa pagtatambal nila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagdalangin.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 32 Susunod Ar-Rūm • Talata 34