Sabihin mo: “Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa niyan. Ang higit marami sa kanila noon ay mga tagapagtambal.” Ar-Rūm 30:42 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagapagtambal na ito: "Humayo kayo sa lupain saka magnilay-nilay kayo kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpasinungaling bago pa ninyo? Iyon noon ay isang kinahinatnang masagwa. Ang karamihan sa kanila noon ay mga tagapagtambal kay Allāh, na sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya kaya ipinahamak sila dahilan sa pagtatambal nila kay Allāh."