Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 47 sa 60 • Tagalog


وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ رُسُلًا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ فَجَاءُوهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَانْتَقَمْنَا مِنَ الَّذِينَ أَجْرَمُوا ۖ وَكَانَ حَقًّا عَلَيْنَا نَصْرُ الْمُؤْمِنِينَ 47
Pagsasalin:
Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa [O Muḥammad] ng mga sugo sa mga tao nila kaya naghatid sila sa mga iyon ng mga malinaw na patunay saka naghiganti naman Kami sa mga nagpakasalarin. Laging isang tungkulin sa Amin ang pag-aadya sa mga mananampalataya. Ar-Rūm 30:47
Tafsīr:
Talaga ngang nagpadala Kami bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo sa mga kalipunan nila kaya naghatid sila sa mga iyon ng mga katwiran at mga patotoong nagpapatunay sa katapatan nila. Ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa inihatid sa mga iyon ng mga sugo ng mga iyon kaya naghiganti Kami sa mga gumawa ng mga gawang masagwa. Ipinahamak Namin ang mga iyon sa pamamagitan ng pagdurusang dulot Namin at iniligtas Namin ang mga sugo at ang mga mananampalataya sa kanila mula sa kapahamakan. Ang pagliligtas sa mga mananampalataya at ang pag-aadya sa kanila ay isang tungkuling inobliga Namin sa Amin.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 46 Susunod Ar-Rūm • Talata 48