Kaya sa Araw na iyon, hindi magpapakinabang sa mga lumabag sa katarungan ang pagdadahilan nila ni sila ay hihilinging magpasiya [kay Allāh]. Ar-Rūm 30:57 ⧉
Tafsīr:
Kaya sa Araw na bubuhaying muli ni Allāh ang mga nilikha para sa pagtutuos at pagganti, hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan ang nilikha-likha nilang mga dahi-dahilan at hindi hihilingin mula sa kanila ang pagpapalugod kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at pagsisisi sa Kanya dahil sa pagkahuli ng oras niyon.