Kaya magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Huwag ngang magmamaliit sa iyo ang mga hindi nakatitiyak [ng Kabilang-buhay]. Ar-Rūm 30:60 ⧉
Tafsīr:
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pagpapasinungaling ng mga kalipi mo sa iyo. Tunay na ang pangako ni Allāh sa iyo ng pag-aadya at pagbibigay-kapangyarihan ay matibay na walang pag-aalinlangan doon. Huwag magtulak sa iyo ang mga hindi nakatitiyak na sila ay mga bubuhaying muli sa pagmamadali at pag-iwan sa pagtitiis.