Huwag kang mag-iwas ng pisngi mo sa mga tao at huwag kang maglakad sa lupa dala ng pagpapakatuwa [sa sarili]. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat hambog na mayabang. Luqmān 31:18 ⧉
Tafsīr:
Huwag kang maglihis ng mukha mo palayo sa mga tao dala ng pagpapakamalaki at huwag kang maglakad sa ibabaw ng lupa dala ng pagkatuwang humanga sa sarili mo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mayabang sa paglalakad niya, na hambog sa anumang ibinigay sa kanya na mga biyaya, na nagpapakamalaki dahil sa mga ito sa mga tao at hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga ito.