Hindi ba kayo nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng nasa mga langit at nasa lupa at nagpasagana sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran at pakubli. Mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang isang kaalaman ni isang patnubay ni isang aklat na nagbibigay-liwanag. Luqmān 31:20 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba kayo nakakita at nakasaksi, O mga tao, na si Allāh ay nagpadali para sa inyo ng pakikinabang sa nasa mga langit gaya ng araw, buwan, at mga planeta; nagpadali para sa inyo rin [ng pakikinabang] sa nasa lupa gaya ng mga hayop, mga puno, at mga halaman; at nagpalubos sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran sa mga mata gaya ng karikitan ng larawan at kagandahan ng anyo at nang pakubling nakatago gaya ng pagkaunawa at kaalaman? Sa kabila ng kairalan ng mga biyayang ito, mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh nang walang isang kaalamang nakabatay sa isang kasi mula kay Allāh o isang pagkaunawang nakapagbibigay-liwanag ni isang aklat na maliwanag na ibinaba mula kay Allāh.