Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin ang babalikan nila saka magbabalita Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si Allāh ay Maalam sa laman ng mga dibdib. Luqmān 31:23 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin lamang ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila na mga masagwang gawa sa Mundo at gaganti Kami sa kanila sa mga ito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa anumang nasa mga ito.