Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 25 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 25 sa 34 • Tagalog


وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۚ قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 25
Pagsasalin:
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na si Allāh. Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh.” Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. Luqmān 31:25
Tafsīr:
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at sino ang lumikha ng lupa ay talagang magsasabi nga sila na ang lumikha ng mga ito ay si Allāh. Sabihin mo sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalitaw sa katwiran sa inyo." Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa kung sino ang nagiging karapat-dapat sa papuri dahil sa kamangmangan nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 24 Susunod Luqmān • Talata 26