Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 32 sa 34 • Tagalog


وَإِذَا غَشِيَهُمْ مَوْجٌ كَالظُّلَلِ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ فَلَمَّا نَجَّاهُمْ إِلَى الْبَرِّ فَمِنْهُمْ مُقْتَصِدٌ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا كُلُّ خَتَّارٍ كَفُورٍ 32
Pagsasalin:
Kapag may bumalot sa kanila na mga alon na gaya ng mga kulandong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagtalima, ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan ay mayroon sa kanila na katamtaman. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat palasira sa pangako na mapagtangging magpasalamat. Luqmān 31:32
Tafsīr:
Kapag pumaligid sa kanila mula sa bawat gilid ang mga alon na tulad ng mga bundok at mga ulap ay dumadalangin sila kay Allāh lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagdalangin at pagsamba. Ngunit noong tumugon si Allāh sa kanila, sumagip Siya sa kanila patungo sa katihan, at nagligtas Siya sa kanila mula sa pagkalunod, mayroon sa kanila na katamtaman, na hindi nagsagawa ng kinailangan sa kanya na pagpapasalamat ayon sa pamamaraan ng kalubusan, at mayroon sa kanila na tagapagkaila sa biyaya ni Allāh. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat taksil sa pangako – tulad ng nakipagkasundo kay Allāh na talagang kung magliligtas Siya rito ay talagang magiging kabilang nga ito sa mga tagapagpasalamat sa Kanya – na palatangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh: hindi siya nagpapasalamat sa Panginoon niya na nagbiyaya nga mga ito sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 31 Susunod Luqmān • Talata 33