Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 34 sa 34 • Tagalog


إِنَّ اللَّهَ عِنْدَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ الْغَيْثَ وَيَعْلَمُ مَا فِي الْأَرْحَامِ ۖ وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ مَاذَا تَكْسِبُ غَدًا ۖ وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ بِأَيِّ أَرْضٍ تَمُوتُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌ 34
Pagsasalin:
Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid. Luqmān 31:34
Tafsīr:
Tunay na si Allāh ay nasa Kanya lamang ang kaalaman sa Huling Sandali sapagkat nakaaalam Siya kung kailan iyon magaganap. Nagbababa Siya ng ulan kapag Niya niloob at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan kung lalaki ba ito o babae, kung malumbay o maligaya? Hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan na kabutihan o kasamaan at hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay, bagkus si Allāh ay ang nakaaalam niyon sa kabuuan niyon. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 33 Susunod As-Sajdah • Talata 1