Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 7 sa 34 • Tagalog


وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا وَلَّىٰ مُسْتَكْبِرًا كَأَنْ لَمْ يَسْمَعْهَا كَأَنَّ فِي أُذُنَيْهِ وَقْرًا ۖ فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ 7
Pagsasalin:
Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān] ay tumatalikod siya na nagmamalaki na para bang hindi siya nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit. Luqmān 31:7
Tafsīr:
Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin ay tumatalikod siya na nagmamalaki palayo sa pakikinig sa mga ito, na para bang siya ay hindi nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi sa pagdinig sa mga tinig. Kaya magbalita ka sa kanya, O Sugo, hinggil sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 6 Susunod Luqmān • Talata 8