Sabihin mo: “Magpapapanaw sa inyo ang anghel ng kamatayan na itinalaga sa inyo, pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo pababalikin kayo.” As-Sajdah 32:11 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli: "Kukunin kayo ng anghel ng kamatayan na binigyang-kapangyarihan ni Allāh sa pagbawi sa mga kaluluwa ninyo, pagkatapos sa Kanya lamang sa Araw ng Pagbangon panunumbalikin kayo para sa pagtutuos at pagganti."