Landscape MP4 Vertical MP4

Surah As-Sajdah — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

As-Sajdah • Talata 13 sa 30 • Tagalog


وَلَوْ شِئْنَا لَآتَيْنَا كُلَّ نَفْسٍ هُدَاهَا وَلَٰكِنْ حَقَّ الْقَوْلُ مِنِّي لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ 13
Pagsasalin:
Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat kaluluwa ng patnubay niya, subalit nagindapat ang pag-atas mula sa Akin: “Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang lahat-lahat. As-Sajdah 32:13
Tafsīr:
Kung sakaling niloob Namin ang pagbibigay sa bawat kaluluwa ng gabay niya at pagtutuon sa kanya ay talaga sanang nagdala Kami sa kanya rito, subalit kinailangan ang hatol mula sa Akin ayon sa karunungan at katarungan: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon ng mga kampon ng kawalang-pananampalataya kabilang sa dalawang pangunahing nilikha na mga jinn at mga tao dahil sa pagpili nila sa daan ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw higit sa daan ng pananampalataya at pagkatuwid."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna As-Sajdah • Talata 12 Susunod As-Sajdah • Talata 14