Landscape MP4 Vertical MP4

Surah As-Sajdah — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

As-Sajdah • Talata 20 sa 30 • Tagalog


وَأَمَّا الَّذِينَ فَسَقُوا فَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۖ كُلَّمَا أَرَادُوا أَنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا أُعِيدُوا فِيهَا وَقِيلَ لَهُمْ ذُوقُوا عَذَابَ النَّارِ الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تُكَذِّبُونَ 20
Pagsasalin:
Hinggil naman sa mga nagpakasuwail, ang kanlungan nila ay ang Apoy. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila: “Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayo ay nagpapasinungaling dito.” As-Sajdah 32:20
Tafsīr:
Tungkol naman sa mga lumabas mula sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway, ang titigilan nila na inihanda para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay ang Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila bilang panunumbat para sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayong nagpapasinungaling dito sa Mundo nang ang mga sugo ninyo noon ay nagpapangamba sa inyo laban dito."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna As-Sajdah • Talata 19 Susunod As-Sajdah • Talata 21