Pagkatapos humubog Siya rito at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya. Gumawa Siya para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo! As-Sajdah 32:9 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos lumubos Siya sa paglikha ng tao sa pagkakahubog at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya sa pamamagitan ng pag-uutos sa anghel na nakatalaga sa pag-ihip ng espiritu. Gumawa Siya para sa inyo, O mga tao, ng mga pandinig upang ipandinig ninyo, mga paningin upang ipantingin ninyo, at mga puso upang ipang-unawa ninyo. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo kay Allāh sa mga biyayang ito na ibiniyaya Niya sa inyo!