Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 1 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 1 sa 73 • Tagalog


يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ اتَّقِ اللَّهَ وَلَا تُطِعِ الْكَافِرِينَ وَالْمُنَافِقِينَ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا 1
Pagsasalin:
O Propeta [Muḥammad], mangilag kang magkasala kay Allāh at huwag kang tumalima sa [ninanasa ng] mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong. Al-Aḥzāb 33:1
Tafsīr:
O Propeta, magpakatatag ka at ang sinumang kasama sa iyo sa pangingilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Mangamba ka sa Kanya lamang. Huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw sa pinipithaya ng mga sarili nila. Tunay na si Allāh ay laging Maalam sa anumang ipinapakana ng mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna As-Sajdah • Talata 30 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 2