Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 10 sa 73 • Tagalog


إِذْ جَاءُوكُمْ مِنْ فَوْقِكُمْ وَمِنْ أَسْفَلَ مِنْكُمْ وَإِذْ زَاغَتِ الْأَبْصَارُ وَبَلَغَتِ الْقُلُوبُ الْحَنَاجِرَ وَتَظُنُّونَ بِاللَّهِ الظُّنُونَا 10
Pagsasalin:
[Banggitin] noong dumating sila sa inyo mula sa ibabaw ninyo at mula sa ilalim mula sa inyo, at noong lumiko ang mga paningin, umabot ang mga puso sa mga lalamunan, at nagpapalagay kayo kay Allāh ng mga palagay. Al-Aḥzāb 33:10
Tafsīr:
Iyon ay nang dumating sa inyo ang mga tagatangging sumampalataya mula sa pinakamataas ng lambak at mula sa pinakamababa niyon mula sa mga dako ng silangan at kanluran. Sa sandaling iyon ay kumiling ang mga paningin palayo sa bawat bagay maliban sa palayo sa pagtingin sa kaaway ng mga ito at umabot ang mga puso sa mga lalamunan dahil sa tindi ng pangamba. Nagpapalagay kayo kay Allāh ng mga palagay na nagkakaiba-iba, kaya minsan ay nagpapalagay kayo ng pag-aadya at minsan naman ay nagpapalagay kayo ng kawalang-pag-asa sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 9 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 11