Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 13 sa 73 • Tagalog


وَإِذْ قَالَتْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ يَا أَهْلَ يَثْرِبَ لَا مُقَامَ لَكُمْ فَارْجِعُوا ۚ وَيَسْتَأْذِنُ فَرِيقٌ مِنْهُمُ النَّبِيَّ يَقُولُونَ إِنَّ بُيُوتَنَا عَوْرَةٌ وَمَا هِيَ بِعَوْرَةٍ ۖ إِنْ يُرِيدُونَ إِلَّا فِرَارًا 13
Pagsasalin:
[Banggitin] noong may nagsabing isang pangkatin kabilang sa kanila: “O mga mamamayan ng Yathrib, walang mapananatilihan [dito] para sa inyo kaya bumalik kayo.” May nagpapaalam na isang pangkat kabilang sa kanila sa Propeta, na nagsasabi: “Tunay na ang mga bahay namin ay nakabuyayang,” samantalang ang mga iyon ay hindi nakabuyayang. Walang silang ninanais kundi isang pagtakas. Al-Aḥzāb 33:13
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa mga mapagpaimbabaw na nagsabi sa mga mamamayan sa Madīnah: "O mga mamamayan ng Yathrib (ang pangalan ng Madīnah bago ng Islām), walang pananatili para sa inyo sa tabi ng paanan ng burol ng Sal` malapit sa bambang kaya bumalik kayo sa mga tirahan ninyo." May humihiling na isang pangkatin kabilang sa kanila ng pahintulot mula sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na lumisan sila patungo sa mga bahay nila sa pagdadahilang ang mga bahay nila ay nakalantad sa kaaway samantalang ang mga iyon ay hindi nakalantad gaya ng pinagsasabi nila. Ninanais lamang nila sa pagdadahilang sinungaling na ito ang tumakas mula sa kaaway.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 12 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 14