Talaga ngang nangyaring sila ay nakipagkasunduan kay Allāh bago pa niyan na hindi sila magbabaling ng mga likod. Laging ang kasunduan kay Allāh ay pinananagutan. Al-Aḥzāb 33:15 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nangyaring ang mga mapagpaimbabaw na ito ay nakipagkasunduan kay Allāh matapos ng pagtakas nila sa Araw ng Uḥud mula sa pakikipaglaban. Talagang kung nagpasaksi sa kanila si Allāh ng iba pang pakikipaglaban ay talagang makikipaglaban nga sila sa kaaway nila at hindi sila tatakas dala ng pangamba sa mga iyon, subalit sila ay sumira. Laging ang tao ay pananagutin tungkol sa anumang pakikipagkasunduan niya kay Allāh at pananagutin siya roon.