Nagpaurong si Allāh sa mga tumangging sumampalataya habang nasa ngitngit nila, na hindi nagtamo ng isang kabutihan. Nagpasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan. Al-Aḥzāb 33:25 ⧉
Tafsīr:
Nagpaurong si Allāh sa [liping] Quraysh, [liping] Ghaṭafān, at mga kasama sa kanila habang nasa pagdadalamhati nila at pagkahapis nila dahil sa pagkaalpas sa kanila ng inasahan nila, na hindi nagkamit ng ninais nila na paglipol sa mga mananampalataya. Nakasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban kasama sa kanila dahil sa ipinadala Niya na hangin at pinababa Niya na mga anghel. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihang walang nakikipanaig sa Kanya na isa man malibang nadadaig Niya at itinatatwa Niya.