O Propeta [Muḥammad], sabihin mo sa mga maybahay mo: “Kung kayo ay nagnanais ng buhay na pangmundo at ng gayak nito, halikayo, magpapatamasa ako sa inyo at magpapalaya ako sa inyo nang pagpapalayang marilag. Al-Aḥzāb 33:28 ⧉
Tafsīr:
O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo kapag humiling sila sa iyo ng pagpapaluwag sa panggugol gayong hindi ka nagkaroon ng maipaluluwag sa kanila: "Kung kayo ay nagnanais ng buhay Mundo at ng anumang narito na gayak, halikayo sa akin, magpapatamasa ako sa inyo ng ipinatatamasa sa mga diborsiyada at magdidiborsiyo ako sa inyo nang isang diborsiyong walang pamiminsala at walang pananakit.