Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 35 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 35 sa 73 • Tagalog


إِنَّ الْمُسْلِمِينَ وَالْمُسْلِمَاتِ وَالْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ وَالْقَانِتِينَ وَالْقَانِتَاتِ وَالصَّادِقِينَ وَالصَّادِقَاتِ وَالصَّابِرِينَ وَالصَّابِرَاتِ وَالْخَاشِعِينَ وَالْخَاشِعَاتِ وَالْمُتَصَدِّقِينَ وَالْمُتَصَدِّقَاتِ وَالصَّائِمِينَ وَالصَّائِمَاتِ وَالْحَافِظِينَ فُرُوجَهُمْ وَالْحَافِظَاتِ وَالذَّاكِرِينَ اللَّهَ كَثِيرًا وَالذَّاكِرَاتِ أَعَدَّ اللَّهُ لَهُمْ مَغْفِرَةً وَأَجْرًا عَظِيمًا 35
Pagsasalin:
Tunay na ang mga lalaking tagapagpasakop [kay Allāh] at ang mga babaing tagapagpasakop, ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya, ang mga lalaking masunurin at ang mga babaing masunurin, ang mga lalaking tapat at ang mga babaing tapat, ang mga lalaking nagtitiis at ang mga babaing nagtitiis, ang mga lalaking nagpapakataimtim [sa paggalang kay Allāh] at ang mga babaing nagpapakataimtim, ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa, ang mga lalaking nag-aayuno at ang mga babaing nag-aayuno, ang mga lalaking nag-iingat sa mga ari nila at ang mga babaing nag-iingat, at ang mga lalaking nag-aalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing nag-aalaala ay naghanda si Allāh para sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan [ng Paraiso]. Al-Aḥzāb 33:35
Tafsīr:
Tunay na ang mga lalaking nagpapakaaba kay Allāh sa pagtalima at ang mga babaing nagpapakaaba, ang mga lalaking tagapatotoo kay Allāh at ang mga babaing tagapatotoo, ang mga lalaking tagatalima at ang mga babaing tagatalima kay Allāh, ang mga lalaking tapat at ang mga babaing tapat sa pananampalataya nila at salita nila, ang mga lalaking nagtitiis at ang mga babaing nagtitiis sa mga pagtalima at sa paglayo sa mga pagsuway at sa pagsubok, ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa ng mga yaman nila sa tungkulin at pagkukusa, ang mga lalaking nag-aayuno at ang mga babaing nag-aayuno para kay Allāh sa tungkulin at pagkukusa, ang mga lalaking nag-iingat at ang mga babaing nag-iingat sa mga ari nila sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga ito laban sa pagkakalantad sa harapan ng sinumang hindi ipinahihintulot ang pagtingin sa mga ito at sa pamamagitan ng paglayo sa kahalayan ng pangangalunya at mga paunang gawain nito, at ang mga lalaking nag-aalaala at ang mga babaing nag-aalaala kay Allāh sa mga puso nila at mga dila nang madalas nang palihim at lantaran ay naghanda si Allāh para sa kanila ng kapatawaran mula sa Kanya para sa mga pagkakasala nila at naghanda Siya para sa kanila ng gantimpalang sukdulan sa Araw ng Pagbangon, ang Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 34 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 36