Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 69 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 69 sa 73 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ آذَوْا مُوسَىٰ فَبَرَّأَهُ اللَّهُ مِمَّا قَالُوا ۚ وَكَانَ عِنْدَ اللَّهِ وَجِيهًا 69
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga nananakit kay Moises, ngunit nagpawalang-kapintasan sa kanya si Allāh laban sa sinabi nila. Siya noon sa ganang kay Allāh ay pinarangalan. Al-Aḥzāb 33:69
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong manakit sa Sugo ninyo para maging tulad ng mga nanakit kay Moises gaya ng pamimintas nila sa kanya sa katawan niya ngunit nagpawalang-kapintasan sa kanya si Allāh laban sa sinabi nila, kaya luminaw para sa kanila ang kawalang-kaugnayan niya sa sinabi nila hinggil sa kanya. Si Moises noon sa ganang kay Allāh ay pinarangalan: hindi itinutulak ang hiling niya at hindi binibigo ang pagsisikap niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 68 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 70