[Banggitin] noong tumanggap Kami mula sa mga propeta ng tipan nila, mula sa iyo [O Muḥammad], at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap Kami mula sa kanila ng tipang mariin, Al-Aḥzāb 33:7 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, noong tumanggap si Allāh mula sa mga propeta ng isang kasunduang binigyang-diin na sumamba sila kay Allāh lamang at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at na magpaabot sila ng pinababa Niya sa kanila mula sa kasi. Tumanggap Siya, lalo na, mula sa iyo, at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap si Allāh mula sa kanila ng isang kasunduang binigyang-diin sa pagtupad sa ipinagkatiwala sa kanila na pagpapaabot sa mga pasugo Niya.