Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 18 sa 54 • Tagalog


وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمْ وَبَيْنَ الْقُرَى الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا قُرًى ظَاهِرَةً وَقَدَّرْنَا فِيهَا السَّيْرَ ۖ سِيرُوا فِيهَا لَيَالِيَ وَأَيَّامًا آمِنِينَ 18
Pagsasalin:
Naglagay Kami [bago ng pagbagsak nila] sa pagitan nila at ng mga pamamayanan na nagpala Kami sa mga iyon ng mga pamayanang nakalantad. Itinakda Namin doon ang paghayo [na maging madali, na nagsasabi]: “Humayo kayo roon sa mga gabi at mga araw nang mga matiwasay.” Saba’ 34:18
Tafsīr:
Naglagay Kami sa pagitan ng mga mamamayan ng Sheba sa Yemen at ng mga pamayanan ng Sirya, na nagpala Kami roon, ng mga pamayanang nagkakalapitan. Nagtakda Kami sa mga iyon ng paglalakbay kung saan naglalakbay sila mula sa isang pamayanan patungo sa isang pamayanan nang walang hirap hanggang sa dumating sila sa Sirya. Nagsabi Kami sa kanila: "Humayo kayo roon ayon sa niloob ninyo sa gabi at maghapon, sa katiwasayan laban sa kaaway, pagkagutom, at pagkauhaw."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 17 Susunod Saba’ • Talata 19