Sabihin mo: “Sino ang tumutustos sa inyo mula sa mga langit at lupa?” Sabihin mo: “Si Allāh. Tunay na kami o kayo ay talagang nasa isang patnubay o nasa isang pagkaligaw na malinaw.” Saba’ 34:24 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sino ang tumutustos sa inyo mula sa mga langit sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan at mula sa lupa sa pamamagitan ng pagpapatubo ng mga bunga, mga pananim, mga prutas, at iba pa roon?" Sabihin mo: "Si Allāh ay ang tumutustos sa inyo mula sa mga iyon. Tunay na kami o kayo, O mga tagapagtambal, ay talagang nasa isang kapatnubayan o nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa daan sapagkat ang isa sa atin ay walang pasubaling gayon. Walang duda na ang mga alagad ng patnubay ay ang mga mananampalataya at na ang mga alagad ng pagkaligaw ay ang mga tagapagtambal."