Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 27 sa 54 • Tagalog


قُلْ أَرُونِيَ الَّذِينَ أَلْحَقْتُمْ بِهِ شُرَكَاءَ ۖ كَلَّا ۚ بَلْ هُوَ اللَّهُ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ 27
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Magpakita kayo sa akin ng ikinapit ninyo sa Kanya bilang mga katambal. Aba’y hindi: [walang katambal sa Kanya]! Bagkus Siya ay si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.” Saba’ 34:27
Tafsīr:
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Magpakita kayo sa akin ng ginawa ninyo para kay Allāh bilang mga katambal na ipinantatambal ninyo sa Kanya sa pagsamba. Aba’y hindi! Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguni-guni ninyo na mayroon Siyang mga katambal. Bagkus Siya ay si Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 26 Susunod Saba’ • Talata 28