Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Saba’ — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

Saba’ • Talata 3 sa 54 • Tagalog


وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَا تَأْتِينَا السَّاعَةُ ۖ قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتَأْتِيَنَّكُمْ عَالِمِ الْغَيْبِ ۖ لَا يَعْزُبُ عَنْهُ مِثْقَالُ ذَرَّةٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ وَلَا أَصْغَرُ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْبَرُ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ 3
Pagsasalin:
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Hindi pupunta sa amin ang Huling Sandali.” Sabihin mo: “Oo, sumpa man sa Panginoon ko – talagang pupunta nga ito sa inyo – na Tagaalam sa nakalingid.” Walang nawawaglit buhat sa Kanya na isang kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa, ni higit na maliit kaysa roon, ni higit na malaki, malibang nasa isang talaang malinaw Saba’ 34:3
Tafsīr:
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Hindi pupunta sa amin ang Huling Sandali magpakailanman." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Oo, sumpa man kay Allāh, talagang pupunta nga sa inyo ang Huling Sandali na pinasisinungalingan ninyo, subalit walang nakaaalam sa oras niyon kundi si Allāh sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Nakaaalam sa anumang nakaliban mula sa Huling Sandali at iba pa rito. Walang nakaliliban sa kaalaman Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na isang bigat ng pinakamaliit na langgam sa mga langit ni sa lupa, at walang nakaliliban sa Kanya na isang higit na maliit kaysa sa nabanggit na iyon ni isang higit na malaki, malibang ito ay nakasulat sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan, na isinulat doon ang bawat bagay na mangyayari hanggang sa Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Saba’ • Talata 2 Susunod Saba’ • Talata 4