Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 18 sa 45 • Tagalog


وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۚ وَإِنْ تَدْعُ مُثْقَلَةٌ إِلَىٰ حِمْلِهَا لَا يُحْمَلْ مِنْهُ شَيْءٌ وَلَوْ كَانَ ذَا قُرْبَىٰ ۗ إِنَّمَا تُنْذِرُ الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ بِالْغَيْبِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ ۚ وَمَنْ تَزَكَّىٰ فَإِنَّمَا يَتَزَكَّىٰ لِنَفْسِهِ ۚ وَإِلَى اللَّهِ الْمَصِيرُ 18
Pagsasalin:
Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Kung may mag-aanyayang isang nabibigatan [ng iba pa] sa pagdala nito ay walang dadalahin mula rito na anuman, kahit pa man siya ay isang may pagkakamag-anak. Makapagbabala ka lamang sa mga natatakot sa Panginoon nila nang nakalingid [sa pagkatalos nila] at nagpanatili ng pagdarasal. Ang sinumang nagpakabusilak ay nagpapakabusilak lamang para sa [kabutihan ng] sarili niya. Sa kay Allāh ang kahahantungan [ng lahat]. Fāṭir 35:18
Tafsīr:
Hindi dadalhin ng isang kaluluwang nagkakasala ang pagkakasala ng ibang kaluluwang nagkakasala, bagkus ang bawat kaluluwang nagkakasala ay magdadala ng pagkakasala niya. Kung mag-aanyaya ang isang kaluluwang nabibigatan sa pagdala ng mga pagkakasala niya ng isang magdadala para sa kanya ng anuman mula sa mga pagkakasala niya, walang dadalhin para sa kanya na anuman mula sa mga pagkakasala niya, kahit pa man ang inaanyayahan ay isang malapit sa kanya. Mapangangamba mo lamang, O Sugo, sa pagdurusang dulot ni Allāh ang mga nangangamba sa Panginoon nila nang lingid at gumaganap sa pagdarasal sa pinakalubos na mga paraan nito sapagkat sila ay ang mga makikinabang sa pagpapangamba mo. Ang sinumang nagpakadalisay mula sa mga pagsuway – na ang pinakamabigat sa mga ito ay ang shirk – ay nagpakadalisay lamang para sa sarili niya dahil ang pakinabang niyon ay nanunumbalik sa kanya sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pagtalima niya. Tungo kay Allāh ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 17 Susunod Fāṭir • Talata 19