Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 25 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 25 sa 45 • Tagalog


وَإِنْ يُكَذِّبُوكَ فَقَدْ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ وَبِالزُّبُرِ وَبِالْكِتَابِ الْمُنِيرِ 25
Pagsasalin:
Kung nagpapasinungaling sila sa iyo, nagpasinungaling nga ang mga bago pa nila. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila [ula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay, ng mga kautusan, at ng kasulatang nagbibigay-liwanag. Fāṭir 35:25
Tafsīr:
Kung nagpapasinungaling sa iyo ang mga kalipi mo, O Sugo, ay magtiis ka sapagkat ikaw ay hindi unang sugong pinasinungalingan ng mga kalipi nito sapagkat nagpasinungaling nga ang mga kalipunang nauna sa mga sugo sa kanilang ito tulad ng [mga liping] `Ād at Thamūd at mga kababayan ni Lot. Naghatid sa kanila ang mga sugo sa kanila mula sa ganang kay Allāh ng mga katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan nila. Naghatid sa kanila ang mga sugo sa kanila ng mga kalatas at ng kasulatang nagbibigay-liwanag para sa sinumang nagbubulay-bulay rito at nagninilay-nilay rito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 24 Susunod Fāṭir • Talata 26