Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 27 sa 45 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجْنَا بِهِ ثَمَرَاتٍ مُخْتَلِفًا أَلْوَانُهَا ۚ وَمِنَ الْجِبَالِ جُدَدٌ بِيضٌ وَحُمْرٌ مُخْتَلِفٌ أَلْوَانُهَا وَغَرَابِيبُ سُودٌ 27
Pagsasalin:
Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga bungang nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito. Mula sa mga bundok ay may mga guhit na puti at pula, na magkakaiba ang mga pagkakulay ng mga ito, at may mga matingkad na itim. Fāṭir 35:27
Tafsīr:
Hindi mo ba nakita, O Sugo, na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan, kaya nagpalabas sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga bungang magkakaiba ang mga kulay ng mga ito: nasa mga ito ang pula, ang luntian, ang dilaw, at ang iba pa sa mga ito matapos na pinainom ang mga puno ng mga ito mula roon. Mula sa mga bundok ay may mga daang puti, mga daang pula, at mga daang sagad ang kaitiman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 26 Susunod Fāṭir • Talata 28