Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 32 sa 45 • Tagalog


ثُمَّ أَوْرَثْنَا الْكِتَابَ الَّذِينَ اصْطَفَيْنَا مِنْ عِبَادِنَا ۖ فَمِنْهُمْ ظَالِمٌ لِنَفْسِهِ وَمِنْهُمْ مُقْتَصِدٌ وَمِنْهُمْ سَابِقٌ بِالْخَيْرَاتِ بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَضْلُ الْكَبِيرُ 32
Pagsasalin:
Pagkatapos ipinamana Namin ang Aklat sa mga hinirang Namin mula sa mga lingkod Namin; ngunit mayroon sa kanila na tagalabag sa katarungan sa sarili niya, mayroon sa kanila na katamtaman, at mayroon sa kanila na nangunguna sa mga kabutihan ayon sa pahintulot ni Allāh. Iyon ay ang malaking kabutihang-loob. Fāṭir 35:32
Tafsīr:
Pagkatapos ibinigay Namin ang Qur'ān sa kalipunan ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – na pinili Namin higit sa mga kalipunan. Ngunit mayroon sa kanila na tagalabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa paggawa sa mga ipinagbabawal at pag-iwan sa mga tungkulin. Mayroon sa kanila na katamtaman dahil sa paggawa sa mga tungkulin at pag-iwan sa mga ipinagbabawal kalakip ng pag-iwan sa ilan sa mga kaibig-ibig at paggawa ng ilan sa mga kinasusuklaman. Mayroon sa kanila na nangunguna sa mga kabutihan ayon sa pahintulot ni Allāh. Iyon ay dahil sa paggawa ng mga tungkulin at mga kaibig-ibig at pag-iwan sa mga ipinagbabawal at mga kinasusuklaman. Ang nabanggit na iyon – na pagpili sa kalipunang ito at pagbibigay rito ng Qur'ān – ay ang kabutihang-loob na malaki, na walang nakatutumbas dito na isang kabutihang-loob.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 31 Susunod Fāṭir • Talata 33