Magsasabi sila: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nag-alis sa amin ng lungkot. Tunay na ang Panginoon namin ay talagang Mapagpatawad, Mapagpasalamat.” Fāṭir 35:34 ⧉
Tafsīr:
Magsasabi sila matapos ng pagpasok nila sa Hardin: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalaho sa amin ng lungkot dahilan sa dati naming pinangangambahan na pagpasok sa Apoy. Tunay na ang Panginoon namin ay talagang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Mapagpasalamat sa kanila sa pagtalima nila."