Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang malaki. Fāṭir 35:7 ⧉
Tafsīr:
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh bilang pagsunod sa demonyo, ukol sa kanila ay isang pagdurusang malakas. Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila at ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan mula sa Kanya, ang paraiso.