Nagsabi ang mga iyon [sa mga apostol]: “Tunay na kami ay nag-ugnay ng kamalasan sa inyo. Talagang kung hindi kayo titigil ay talagang babato nga kami sa inyo at talagang may sasalingin nga sa inyo mula sa amin na isang pagdurusang masakit.” Yā Sīn 36:18 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga mamamayan ng pamayanan sa mga sugo: "Tunay na kami ay nakakikita ng kamalasan sa inyo. Kung hindi kayo titigil sa pag-aanyaya sa amin sa paniniwala sa kaisahan ng Diyos ay talagang magpaparusa nga kami sa inyo sa pamamagitan ng pagpukol ng mga bato hanggang kamatayan at talagang may sasapit sa inyo mula sa amin na isang pagdurusang nakasasakit."