Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 23 sa 83 • Tagalog


أَأَتَّخِذُ مِنْ دُونِهِ آلِهَةً إِنْ يُرِدْنِ الرَّحْمَٰنُ بِضُرٍّ لَا تُغْنِ عَنِّي شَفَاعَتُهُمْ شَيْئًا وَلَا يُنْقِذُونِ 23
Pagsasalin:
Gagawa ba ako ng bukod pa sa Kanya bilang mga diyos? Kung magnanais sa akin ang Napakamaawain ng isang pinsala ay hindi makapagsisilbi sa akin ang pamamagitan nila ng anuman at hindi sila makasasagip sa akin. Yā Sīn 36:23
Tafsīr:
Gagawa ba ako ng bukod pa kay Allāh na lumikha sa akin ng mga sinasamba nang walang karapatan? Kung magnanais sa akin ang Napakamaawain ng isang kasagwaan ay hindi makapagsisilbi sa akin ng anuman ang pamamagitan ng mga sinasambang ito sapagkat hindi sila nakapagdudulot sa akin ng isang pakinabang ni isang pinsala. Hindi sila nakakakaya na sumagip sa akin mula sa kasagwaang ninais ni Allāh sa akin kung namatay ako sa kawalang-pananampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 22 Susunod Yā Sīn • Talata 24