Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 52 sa 83 • Tagalog


قَالُوا يَا وَيْلَنَا مَنْ بَعَثَنَا مِنْ مَرْقَدِنَا ۜ ۗ هَٰذَا مَا وَعَدَ الرَّحْمَٰنُ وَصَدَقَ الْمُرْسَلُونَ 52
Pagsasalin:
Magsasabi sila: “O kapighatian sa amin! Sino ang bumuhay na muli sa atin mula sa tulugan natin?” [Sasagutin sila:] “Ito ay ang ipinangako ng Pinakamaawain at nagpakatapat ang mga isinugo.” Yā Sīn 36:52
Tafsīr:
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito na mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli, habang mga nagsisisi: "O kalugian sa amin! Sino ang bumuhay na muli sa atin mula sa mga libingan natin?" Kaya sasagutin sila sa tanong nila: "Ito ay ang ipinangako ni Allāh, saka tunay na ito ay hindi maiiwasang magaganap. Nagpakatotoo ang mga isinugo sa ipinaabot nila tungkol sa Panginoon nila mula roon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 51 Susunod Yā Sīn • Talata 53