Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 60 sa 83 • Tagalog


أَلَمْ أَعْهَدْ إِلَيْكُمْ يَا بَنِي آدَمَ أَنْ لَا تَعْبُدُوا الشَّيْطَانَ ۖ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ 60
Pagsasalin:
Hindi ba nag-atas Ako sa inyo, O mga anak ni Adan, na huwag kayong sumamba sa demonyo – tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw – Yā Sīn 36:60
Tafsīr:
Hindi ba nagtagubilin Ako sa inyo at nag-utos Ako sa inyo ayon sa mga dila ng mga sugo Ko, at nagsabi Ako sa inyo, O mga anak ni Adan, na huwag kayong tumalima sa demonyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga uri ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway? Tunay na ang demonyo para sa inyo ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway. Kaya papaano para sa isang nakapag-iisip na tumalima sa kaaway niya na nagpapakita sa kanya ng pangangaway nito?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 59 Susunod Yā Sīn • Talata 61