Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 65 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 65 sa 83 • Tagalog


الْيَوْمَ نَخْتِمُ عَلَىٰ أَفْوَاهِهِمْ وَتُكَلِّمُنَا أَيْدِيهِمْ وَتَشْهَدُ أَرْجُلُهُمْ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ 65
Pagsasalin:
Sa Araw na iyon, magpipinid Kami sa mga bibig nila at magsasalita sa Amin ang mga kamay nila at sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang kinakamit [na kasalanan]. Yā Sīn 36:65
Tafsīr:
Sa Araw na iyon, magsasara Kami sa mga bibig nila kaya sila ay magiging mga pipi. Hindi sila makapagsasalita ng pagtutol sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Magsasalita sa Amin ang mga kamay nila hinggil sa ginawa ng mga ito sa Mundo. Sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang ginagawa na mga pagsuway at nilalakad.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 64 Susunod Yā Sīn • Talata 66