Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 69 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 69 sa 83 • Tagalog


وَمَا عَلَّمْنَاهُ الشِّعْرَ وَمَا يَنْبَغِي لَهُ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ وَقُرْآنٌ مُبِينٌ 69
Pagsasalin:
Hindi Kami nagturo sa kanya ng tula at hindi iyon nararapat para sa kanya. Walang iba ito kundi isang paalaala at isang Qur’ān na malinaw Yā Sīn 36:69
Tafsīr:
Hindi Kami nagturo kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng tula. Hindi nararapat para sa kanya iyon dahil ito ay hindi bahagi ng kalikasan niya at hindi humihiling nito ang pagkalalang sa kanya, para tumumpak para sa inyo ang pagsasabing siya raw ay manunula. Walang iba ang itinuro Namin sa kanya kundi isang paalaala at isang Qur'ān na maliwanag para sa sinumang nagnilay-nilay nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 68 Susunod Yā Sīn • Talata 70