Talaga ngang nagkatotoo ang sabi [ng pagtatakda] sa higit na marami sa kanila, kaya sila ay hindi sumasampalataya. Yā Sīn 36:7 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang kinailangan ang pagdurusa mula kay Allāh para sa higit na marami sa mga ito matapos na umabot sa kanila ang katotohanan mula kay Allāh ayon sa dila ng Sugo Niya, kaya hindi sila sumampalataya sa Kanya at nanatili sila sa kawalang-pananampalataya nila. Kaya sila ay hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Sugo Niya at hindi gumagawa ayon sa inihatid nito sa kanila na katotohanan.