Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 73 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 73 sa 83 • Tagalog


وَلَهُمْ فِيهَا مَنَافِعُ وَمَشَارِبُ ۖ أَفَلَا يَشْكُرُونَ 73
Pagsasalin:
Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang at mga [gatas na] inumin. Kaya hindi ba sila magpapasalamat? Yā Sīn 36:73
Tafsīr:
Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang na iba pa sa pagsakay sa mga likod ng mga ito at pagkain ng mga karne ng mga ito, tulad ng mga lana ng mga ito, mga balahibo ng mga ito, mga buhok ng mga ito, at mga halaga ng mga ito, sapagkat mula sa mga ito ay yumayari sila ng mga karpet at mga kasuutan. Para sa kanila sa mga ito ay mga inumin yayamang umiinom sila mula sa mga gatas ng mga ito. Kaya hindi ba sila magpapasalamat kay Allāh na nagmagandang-loob sa kanila ng mga biyayang ito at ng iba pa sa mga ito?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 72 Susunod Yā Sīn • Talata 74