Hindi nakakakaya ang mga [diyus-diyusang] ito ng pag-aadya sa kanila samantalang sila para sa mga ito ay mga hukbo na padadaluhin [sa Impiyerno]. Yā Sīn 36:75 ⧉
Tafsīr:
Ang mga diyos na iyon na ginawa nila ay hindi nakakakaya ng pag-aadya sa mga sarili ng mga ito ni sa pag-aadya sa mga sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh. Sila at ang mga anito nila ay magkasamang padadaluhin sa pagdurusa habang nagpapawalang-kaugnayan ang bawat isa sa kanila sa iba.