Tanging ang utos Niya, kapag nagnais Siya ng isang bagay, ay na magsabi rito: “Mangyari,” saka mangyayari ito. Yā Sīn 36:82 ⧉
Tafsīr:
Tanging ang utos ni Allāh at gawi Niya – kaluwalhatian sa Kanya – kapag nagnais Siya ng pagpapairal ng isang bagay ay na magsabi roon: "Mangyari," saka mangyayari ang bagay na iyon na ninanais Niya. Kabilang doon ang ninanais Niya na pagbibigay-buhay, pagbibigay-kamatayan, pagkabuhay na muli, at iba pa sa mga ito.