Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṣ-Ṣāffāt — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Aṣ-Ṣāffāt • Talata 11 sa 182 • Tagalog


فَاسْتَفْتِهِمْ أَهُمْ أَشَدُّ خَلْقًا أَمْ مَنْ خَلَقْنَا ۚ إِنَّا خَلَقْنَاهُمْ مِنْ طِينٍ لَازِبٍ 11
Pagsasalin:
Kaya magsiyasat ka sa kanila [na nagkakaila ng pagkabuhay]: “Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang [ibang] nilikha Namin?” Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na malagkit. Aṣ-Ṣāffāt 37:11
Tafsīr:
Kaya magtanong ka, O Muḥammad, sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagkaila sa pagkabuhay na muli: "Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha, higit na malakas sa mga katawan, at higit na malaki sa mga bahagi ng katawan kaysa sa mga nilikha Namin mula sa mga langit at lupa, at sa mga anghel?" Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na madikit. Kaya papaano silang nagkakaila sa pagkabuhay na muli gayong sila ay mga nilikha mula sa isang nilikhang mahina, ang putik na madikit?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṣ-Ṣāffāt • Talata 10 Susunod Aṣ-Ṣāffāt • Talata 12