Tunay na kami [na mga anghel] ay talagang kami ang mga nakahilera [sa pagsamba kay Allāh]. Aṣ-Ṣāffāt 37:165 ⧉
Tafsīr:
Tunay na kami, kaming mga anghel, ay talagang mga nakatayo sa mga hanay sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Tunay na kami ay talagang mga nagpapawalang-ugnayan kay Allāh sa anumang hindi naaangkop sa Kanya na mga katangian at mga paglalarawan."