Tunay na sila [na mga tagapagtambal] ay talagang nagsasabi dati: Aṣ-Ṣāffāt 37:167 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga tagapagtambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nagsasabi dati bago ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Kung sakaling nagkaroon tayo ng isang kasulatan kabilang sa mga kasulatan ng mga sinauna gaya ng Torah, halimbawa, talaga sanang nagtangi tayo para kay Allāh ng pagsamba." Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat naghatid sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng Qur'ān ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila ang naghihintay sa kanila na pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon.