[Sasabihin sa mga anghel]: “Kalapin ninyo ang mga lumabag sa katarungan, ang mga kauri nila, at ang anumang dati nilang sinasamba Aṣ-Ṣāffāt 37:22 ⧉
Tafsīr:
Sasabihin sa mga anghel sa Araw na iyon: "Tipunin ninyo ang mga tagapagtambal na tagalabag sa katarungan dahil sa shirk nila mismo, ang mga kawangis nila sa shirk at ang mga tagakampi sa kanila sa pagpapasinungaling, at ang mga anitong dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh, saka ipakilala ninyo sa kanila ang daan ng Apoy, ituro ninyo sa kanila iyon, at akayin ninyo sila tungo roon sapagkat tunay na iyon ay ang kahahantungan nila.